Space

Pustahan, matatawa ka kung sasabihin ko sayong nag-cool off ang dalawang tao ng hindi naman sila. Hindi ba? Parang, “Anong kalokohan yun? Di naman posible yun.”

O kung hindi man yun ang unang papasok sa isipan ng karamihan, pag nalaman nila yun, pare-pareho nilang tatanungin ang sarili nila kung tama bang maniwala sila.

Cool off? Hindi naman kasi yun yung tamang term. Kaya pasensya na kung medyo napahaba ko yung mga pinagsasabi ko.

Space. Bakit ka hihingi ng space? Dahil nasasakal ka? Pwede. Dahil gusto mong pag lumayo ka, lalayo narin siya? Pwedeng pwede. O dahil gusto mong mag-isip kung tama ba ang mga nararamdaman mo? Lalong pwedeng pwede.

Ayoko munang makasalamuha yung mga taong bumubulabog ng isipan ko. Gusto kong magisip-isip kung tama ba ang mga nagiging desisyon ko sa buhay. Gusto kong piliin ng mabuti ang mga taong nagkakaron ng panibagong papel sa buhay ko.

Ganun lang ka-simple yun. Hindi naging madali ang pag desisyon ko sa paghingi ng space. Dahil maaring pag ginawa ko yun, pag nakapili na ako, hindi ko makuha yung pinili ko. Maari ring magsawa nalang siya sa paghintay dahil ako na mismo yung lumalayo. Maaring… isipin niyang wala na siyang pag-asa.

  1. alingbata posted this